Takeways from His Eminence Jose Cardinal Advincula, DD
"Kapag nakita na natin ang isang tao na may pera, minsan naiisip natin na wala nang problema ang taong iyon, kasi kaya na niyang bilhin ang mga kailangan nya, may pambili ng pagkain, may pambili ng bahay at lupa, may pambili ng gamit.
Kaya minsan para sa atin, kung sino ang may pera sila yuong masaya.
Minsan iniisip din natin yung mga taong may kapangyarihan, dahil nangingibabaw sila sa iba kaya pakiramdam natin na iyon ang nagpapasaya sa kanila,
Ngunit kapag may kapangyarihan nga ba yuon na ang basehan ng tunay na kasiyahan?
Madali ngayon ang magpasikat, basta ay viral video ka sisikat k na, pag trending ka, famous k na, kapag madami nang followers sa tiktok, facebook at instagram, yuon ba ang batayan ng tunay na kasiyahan?
Ang kagalakan natin sa Panginoon ay siyang magbibigay saatin ng lakas at kapangyarihan.
Maraming bagay na magpapakita saatin ng saya at galak, subalit ang tanong na lamang ay kung ano ang mga bagay na ito na nagpapasaya sa atin ay naglalapit sa atin kay Hesus, dahil kung hindi, hindi iyan ang saya at galak na galing sa Diyos."
Comments